DAF-ARMM
Official Website of Department of Agriculture & Fisheries

DAF- Philrice Rice Extension Intermediaries Knowledge Sharing & Learning

Aktibong nakibahagi ang mahigit isang daang mga Agricultural Extension Workers, Local Farmer Technicians, Research Asistants at Municipal Agricultural Officers mula sa lalawigan ng Maguindanao sa isinagawang talakayan na naka sentro ang topiko sa pagpapaigting sa kaalaman ukol sa makabagong technolohiya sa pagpapalayan, maging hybrid o Inbrid rice.
Ito ay magkatuwang na itinaguyod ng Philippine Rice Research Institute- Midsayap at Department of Agriculture and Fisheries Autonomous Region in Muslim Mindanao na ginanap sa DAF-ARMM covered court ORG Complex, Cotabato City noong merkules, Abril a disenuebe taong kasalukuyan.
Ayon kay Regional Rice Program focal Person Edna Bajao, na siyang nagbigay ng welcome message ang nasabing talakayan ay tinawag na Knowledge Sharing and Learning for Rice Extension Intermediaries ay naglalayong mapaigting pa lalo ang kaalaman ng partisipante na siyang frontliner upang maparating sa mga magsasaka sa kanayunan hinggil sa makabagong pagsasaka sa pagpaparami ng produksyon ng palay at makamit ang sapat at abot kayang pagkain sa lahat.
Ayon sa mga rice experts na naging tagapagsalita sa talakayan, para lalo pang maintindihan ang technolohiya , nagkaroon din ng video presentation na tumalakay sa kahalagahan ng Agriculture sa ating bansa, naging sentro ng usapan na ang farmer ay siyang bayani ng ating bansa. Ilan pa dito ay ang maayos na pag-aalaga ng palayan, tulad na tamang pagpapatubig at mainam na technolohiya upang makamit di umano ang mataas na produksyon. 


Nagbigay kulay at saya din sa mga kalahok ang isinagawang raffle draw , na bawat pangalan na mabunot ay nabigyan ng advocacy tshirt sa pagpapalayan.
Dumalo at nagbigay mensahe din si Maguindanao Provincial Agriculture Officer Dr. Daud K. Lagasi Al-haj, Dito binigyan diin niya ang sharing of knowledge o kaalaman sa kapwa magsasaka o katrabaho sapagkat ito ay isang sangkap upang matamo ang layuning magkaroon ng mataas na ani at kita. Muling ipinarating ng opisyal commitment ng DA sa pangunguna ni Regl Sec. Alexander G. Alonto ang buong supporta sa rice production program, ipasa sa mga kapwa magsasaka na di nakadalo sa talakayan ang kaalaman, dagdag ni PAO Lagasi.
Namahagi din ng mahigit isang libong babasahin patungkol sa Hybrid at Inbred rice technologies ang Philrice at RAFID-armm sa pangunguna ni chief Dr. Kadiguia R. Abdullah, at Muhammad Said Gandawali.
Aktibo din nakibahagi ang mga key players ng rice program sa Maguindanao province sa pangunguna ni Operation Chief Dr. Ronjamin Maulana .(rafid-Armm)

 


Related articles